Home » Post Item » tula lang

tula lang

May 13, 2005

nagpipilit na namang maging makata
itong lapis kong di naman makahanap ng salita

akmang lalapit, dagling lalayo
sa mapangakit na puting papel

nagtatangkang sambitin ang…

sinusubok isawika ang…

pinipilit sabihin ang…

wala akong masabi

nagpipilit na namang maging makata
itong lapis kong di makahanap ng salita

kagaya ko
kapag nariyan ka

~by peter juan
Posted by dok at 9:23 am | permalink

Previous Comments

galing talaga ni peter sumulat :) although kung si peter ay lapis, sya ay GOLIATH hindi mongol :D

Posted by peachieliwings at May 19, 2005, 9:39 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment