Home » Archives » 13. May 2005

tula lang

May 13, 2005

nagpipilit na namang maging makata
itong lapis kong di naman makahanap ng salita

akmang lalapit, dagling lalayo
sa mapangakit na puting papel

nagtatangkang sambitin ang…

sinusubok isawika ang…

pinipilit sabihin ang…

wala akong masabi

nagpipilit na namang maging makata
itong lapis kong di makahanap ng salita

kagaya ko
kapag nariyan ka

~by peter juan
Posted by dok at 9:23 am | permalink | comments[1]